P15K insentibo ng mga guro, inireklamo

P15K insentibo ng mga guro, inireklamo

December 21, 2022 @ 5:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines nitong Miyerkules para sa distribusyon ng ₱20,000 Service Recognition Incentive, kasunod ng anunsyo ng Department of Education (DepEd) na ₱15,000 lamang ang ipamamahagi nito sa eligible employees.

“We call on Pres. Marcos to concretely show the care for teachers by directing the Department of Budget and Management to release additional funds to augment the SRI of DepEd personnel,” anu ACT chairperson Vladimer Quetua.

Binigyang-diin ni Quetua stressed na ito ay  “worn-out and unacceptable excuse” para sabihin ng DepEd na masyado itong maraming empleyado, na hindi na kayang bayaran ang buong benepisyo.

“Dehado na nga ang mga guro sa suweldo, dehado pa rin sa benepisyo. Napag-iwanan na ng ibang propesyon ang sahod namin, kulang pa ang matatanggap naming SRI,” aniya.

Base kay Quetua, nakatanggap lamang ang DepEd employees noong 2019 ng incentive na ₱7,000 bago mag-Pasko at ang natitirang ₱3,000 noong Pebrero 2020.

Idinagdag niya na nangyari ulit ito noong 2021, noong ipalabas nag ₱7,000 incentive bago matapos ang taon, habang ang natitirang ₱3,000 ay ipinamahagi noong 2022.

Sinabi ni Quetua na noong 2020, nakatanggap lamang ang DepEd employees ng ₱6,190 incentive, habang nakatanggap ang ibang government employees ng ₱10,000.

“The teachers should not be disadvantaged for delivering the most far-reaching government service,” giit niya. “The national government should ensure that our teachers receive their benefits in full and on time, in recognition of their valuable service to our youth and children.” RNT/SA