P15M party drugs nasabat sa mail exchange center

P15M party drugs nasabat sa mail exchange center

December 16, 2021 @ 2:58 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Umaabot sa P15,572,000 halaga ng party drugs o ecstasy tablet mula sa The Netherlands ang nasabat ng Bureau of Customs Port of NAIA, at NAIA PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, umaga ng Huwebes.

Sa inisyal na ulat ng NAIA Inter Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) dumating ang tatlong parcel sa bansa na ideneklarang mga regalo.

Natuklasan din ng Customs Examiner at ng PDEA ang laman nito na 7 Lady Hand Bags na may 16 improvised pouches na nakalagay ang 9,169 ecstacy tablets nang dumaan  sa x-ray at physical examination.

Naka Consignee ang mga naturang party drugs sa isang nagngangalang Nikki Deximo ng Tiera Bonita 1 sa Dasmariñas, Cavite.

Nai-turn over na ng Customs ang mga naturang party drugs sa PDEA para sa karagdagang imbestigasyon. Dave Baluyot