P15M puslit na bigas nasabat sa Tawi-Tawi

P15M puslit na bigas nasabat sa Tawi-Tawi

September 15, 2021 @ 8:30 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs Port of Zamboanga ang sako-sakong bigas na isinakay sa isang bangka.

Iniulat din na P15 milyon ang halaga ng bigas na ipupuslit sana sa Zamboanga.

Sinabing nakakuha ng impormasyon ang ahensya na may bangkang may dalang mga sako ng bigas mula Malaysia.

Tinatayang nasa 15,000 hanggang 20,000 sako ng bigas ang nadiskubre sa bangka habang wala namang maipresentang kaukulang dokumento ang 14 na crew ng bangka.

Samantala, iniimbestigahan na ang mga crew ng bangka at itu-turn over sa Bureau of Customs district office ang sako-sakong bigas dahil sa paglabag sa Rice Tarification Law at Customs Modernization and Tariff Act. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •