P15M tanim na marijuana sa Kalinga, sinunog!

P15M tanim na marijuana sa Kalinga, sinunog!

March 14, 2022 @ 3:51 PM 4 months ago


KALINGA – Tuluyan nang sinunog ng mga awtoridad ang mahigit P15-milyong halaga ng tanim na marijuana sa isinagawang anti-drugs operasyon sa bulubunduking bahagi ng Kalinga.

Sa isinagawang ‘Oplan Marites’ ng pinagsanib na puwersa ng PDEA ay walong plantasyon ang sinalakay sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Umaabot sa 75,000 puno ng tanin na marijuana mula sa 7,150 na sukat ng lupain ang binunot ng mga awtoridad.

Wala namang naiulat na nahuli sa likod ng malawak na taniman habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan at PDEA. REY VELASCO