WHO: Monkeypox ‘di pa health emergency

June 26, 2022 @10:30 AM
Views:
1
LONDON – Hindi pa maituturing ang monkeypox na isang global health emergency, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Sabado, bagama’t sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na labis siyang nababahala sa outbreak.
“I am deeply concerned about the monkeypox outbreak, this is clearly an evolving health threat that my colleagues and I in the WHO Secretariat are following extremely closely,” pahayag ni Tedros.
Sinabi ng WHO sa hiwalay na pahayag na bagama’t mayroong iba’t ibang opinyon sa committee, napagkasunduan nila na ang stage na ito ng outbreak ay hindi isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).
Ang “global emergency” label ay kasalukuyan lamang akma para sa coronavirus pandemic at at mga pagsisikap upang labanan ang polio, at tumanggi ang UN agency na i-apply ito sa monkeypox outbreak alinsunod sa payo sa pagpupulong ng international experts.
Batay sa WHO, mayroon nang mahigit 3,200 kumpirmadong kaso ng monkeypox at isang pagkasawi na naitala sa nakalipas na anim na linggo mula sa 48 bansa kung saan ito hindi karaniwang kumakalat.
Sa taong ito, 1,500 kaso at 70 pagkasawi ang naitala sa central Africa, kung saan karaniwan ang sakit, na karamihan ay sa Democratic Republic of Congo.
Ang monkeypox, na isang viral illness na nagdudulot ng flu-like symptoms at skin lesions, haay mas karaniwan sa mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki sa labas ng mga bansa kung saan ito endemic.
Mayroong mga bakuna at mga treatment para sa monkeypox, bagama’t limitado lamang ang suplay nito.
Ilang global health experts ang nagsabi na nagdadalawang-isip ang WHO na ideklara ito dulot ng January 2020 declaration sa bagong coronavirus bilang isang public health emergency na sinalubong ng pag-aalinlangan sa buong mundo.
Subalit ayon sa iba ay swak ito sa mga pamantayan upang matawag na emergency.
“It met all the criteria but they decided to punt on this momentous decision,” ani Gregg Gonsalves, isang associate professor of epidemiology sa Yale University. RNT/SA
AFP spox Zagala, incoming PSG chief?

June 26, 2022 @10:15 AM
Views:
15
MANILA, Philippines- Si Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang diumano’y mamumuno sa Presidential Security Group (PSG).
Tungkulin ng PSG na tiyaking ligtas si President-elect Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito.
Sa ulat, sinabi ni Colonel Jorry Baclor, hepe ng AFP public affairs office (PAO), na wala pa silang natatanggap na kahit na anumang official appointment papers ni Zagala bagama’t kinumpirma naman nito na ang ‘eloquent military spokesperson’ ay sinabihan nang mag-report sa Malakanyang.
“I have no official confirmation. What I know is [Zagala] was already told to report to Malacanang for the transition,” ayon kay Baclor .
Sa hiwalay na panayam, tikom naman ang bibig at walang komento si Zagala sa usaping ito.
Subalit may isang source ang nagsabi na nagpaabot na ng pasasalamat si Zagala para sa kanyang appointment.
“It was his colleagues at the PAO who confirmed it. I congratulated him [for the appointment] and he said ‘thank you,’” ayon sa source.
Sa kabilang dako, magsisilbi rin si Zagala bilang “senior military assistant to the President” kapag naupo na siya bilanjg PSG commander. Kris Jose
PH-China ties pinuri ni Andanar

June 26, 2022 @10:00 AM
Views:
14
MANILA, Philippines- Pinuri ni Communications Secretary Martin Andanar si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagpapalakas, pagpapatibay at mas lalong pinalalalim na relasyon ng Pilipinas sa China.
Nakatakda kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.
Ipinahayag ito ni Andanar sa isinagawang virtual 6th Manila Forum for Philippines-China Relations, araw ng Biyernes, Hunyo 24.
Sa kanyang pahayag, binalikan ni Andanar kung paano umikot ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa simula nang maupo bilang Pangulo si Duterte.
“The China-Philippine relationship has been placed on a better platform…than what we experienced the last six years,” ayon kay Andanar.
Partikular na pinasalamatan ni Andanar sa China ang donasyon nitong bakuna laban sa Covid-19 noong nakaraang taon.
“We are once again grateful to China, our friend for more than a thousand years, for helping us through these challenging and tough times,” Andanar said.
“With the vaccines [that] China has donated, we were able to start our healing and economic recovery as a people and nation during the beginning of the pandemic,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose
Lolo, ‘di nakalabas sa nasusunog na bahay, patay

June 26, 2022 @9:54 AM
Views:
20
STA. ROSA, Nueva Ecija – Patay ang isang 83-anyos na lolo matapos na hindi makababa sa ikalawang palapag ng nasusunog nitong bahay sa Barangay Zamora ng bayang ito, noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni P/Major Fortune Dianne Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang nasawing biktima na si Marianito Talusan, 83, may-asawa ng nasabing lugar.
Nakaligtas naman sa sunog ang misis ng biktima na si Concepcion Talisan, 83, at ang tatlong nangungupahan sa kanila na sina May Viray, Joshua Viray at Jasmine Viray, pawang mga nasa hustong gulang.
Ayon kay P/SSG Jerry Oria, investigating case officer, natulungan umano si lola Concepcion ng kanilang mga boarder na makababa at makalabas sa nasabing bahay.
Gawa umano ang unang palapag ng bahay sa konkreto na inuupahan ng mga Viray habang gawa sa light materials ang ikalawang palapag na siyang tahanan ng mag-asawa.
Nabatid na naitala ang sunog bandang alas-8:30 ng gabi at inaalam pa ang naging sanhi at ang naging danyos ng sunog na magmumula sa Bureau of Fire Protection ng Sta. Rosa.
Napag-alaman na una umanong inilabas ng bahay ang misis ng biktima na pinagtulungang akayin ng mga Viray at nang babalikan na umano nila ang lolong biktima ay hindi na umano kinaya dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa ikalawang palapag ng bahay.
Dahil umano sa katandaan na kaya’t mahina na umano ang katawan ng lolo nang ma-trap ito sa nasusunog na bahay. Ver Sta. Ana
Vape bill haharangin ng DOH

June 26, 2022 @9:45 AM
Views:
15