P15T projects isinasapinal na ng NEDA ICC

P15T projects isinasapinal na ng NEDA ICC

February 23, 2023 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magpupulong ang cabinet level ng Investment Coordination Committee (ICC) ngayong linggo upang isapinal ang nasa P1.5 trilyon na halaga ng mga proyekto na ipipresenta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na buwan.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, magkikita-kita ang ICC Cabinet Committee (ICC-CabCom) upang bumuo ng listahan kasama ang mga flagship projects ng kasalukuyang administrasyon.

ā€œThat list is quite a big number of projects, tentatively or indicatively talking about 3,700 projects worth P15 trillion in the medium term,ā€ ani Balisacan.

Aniya, mayroong nasa 190 ng mga proyekto ang target na isagawa sa
pamamagitan ng public-private partnership (PPP), kung saan 98 ang nasa pipeline na at tinatayang nasa P3 trilyon.

Ang pinal na listahan ay kukunin naman ng the NEDA Board Executive Committee — na inuupuan ng Pangulo sa pagkikita nito sa Marso 9.

ā€œHopefully the President will approve that. It’s bearing the entire list and we have already identified what are likely PPP, but we are open to accommodating any of those as candidates for PPP,ā€ ani Balisacan.

Kasama rin sa listahan ang mga proyektong inihanda ng sinundang administrasyon, kasama ang mga ibinalik sa mga proponents na ayon kay Balisacan, ay tatanggapin lamang kung mapupunan nila ang pamantayan ng kasalukuyang pamahalaan.

Noong Oktubre, hinimok ni Marcos ang pribadong sektor na makibahagi sa PPPs kasama ang P2.25 trilyon na project pipeline.

ā€œI think that tapping the private capital is the way to go, largely because government has no money. We have very limited resources,ā€ sinabi pa ni Balisacan nitong Huwebes, Pebrero 23.

ā€œThe fiscal space is very narrow because a lot of the responses to the pandemic have raised the level of debt high. While some say that we have enough space, personally I don’t think so,ā€ dagdag niya.

ā€œThe only way we can sustain massive infrastructure development both physically and socially is to get the private sector, which I’m aware is awash with capital. But we also have to bring it particularly or make the country attractive to foreign investment,ā€ pagpapatuloy pa nito. RNT/JGC