P16 wage hike para sa agri, non-agri sector sa BARMM oks na sa labor ministry

P16 wage hike para sa agri, non-agri sector sa BARMM oks na sa labor ministry

June 17, 2022 @ 2:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Aprubado na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang karagdagang P16 sa minimum wage ng mga empleyado at manggagawa sa agriculture at non-agriculture sectors sa buong Bangsamoro region.

Sa ilalim ng Wage Order No. BARMM-02 na inaprubahan nitong Hunyo 15, ikakasa ang wage increase sa non-agriculture workers sa industrial, manufacturing, construction, commercial, mining, at academe, maliban sa family drivers, nagtatrabaho sa personal service, at mga manggagawang rehistrado sa Barangay Micro Business Enterprises na may Certificates of Authority alinsunod sa R.A 9178.

Makatatanggap din ng dagdag-sahod ang mga manggagawa sa plantation, non-plantation, at retail sa ilalim ng agriculture sector.

Nangangahulugan ito na ang bagong basic pay rate ay P316 mula sa P300 para sa non-agriculture sector at P306 mula sa P290 para sa agriculture sector sa lahat ng probinsya sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at mga lungsod ng Lamitan at Marawi. RNT/SA