P160M taklobo nakumpiska sa Palawan

P160M taklobo nakumpiska sa Palawan

March 5, 2021 @ 1:51 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakumpiska ng Philippine Coast Guard ang P160 milyong halaga ng taklobo sa Roxas, Palawan.

Batay sa PCG, naganap ang operasyon sa Barangay VI, Johnson Island noong March 3 kung saan nakuha ang 324 clams na may bigat na 80 tonelada.

Nagpaalala naman ang ahensya na ipinagbabawal ang pangunguha ng “taklobo” sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998.

Maaari namang pagmultahin ang mga lalabag ng hanggang P3 milyong piso at pagkakakulong na hanggang walong taon.

Bukod pa rito, nakuha rin ang 124 pirasong illegally-cut mangrove trees sa lugar.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •