P17.75-B Metro Manila Subway deal, nilagdaan ni Tugade

P17.75-B Metro Manila Subway deal, nilagdaan ni Tugade

May 6, 2022 @ 7:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinintahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang isang kontrata na nagkakahalaga ng P17.75 bilyong piso bilang bahagi ng first phase ng Metro Manila Subway.

Ang contract package, tinawag na CP104 na ibingay sa Tokyu-Tobishima Megawide Joint Venture (TTM-JV), ay kinabibilangan ng pagtatayo ng dalawang subway stations at tunnels sa Ortigas North at South.

Ang kontrata ay nilagdaan sa isang event sa Edsa Shangri-La sa Mandaluyong City sa pagitan nina Tugade at mga ehekutibo ng TTM-JV.

Sa nasabing event, nilagdaan din ang right-of-way usage agreements sa pagitan ng DOTr at partners nito sa pribadong sektor kabilang na ang Blemp Commercials of the Philippines, Megaworld Corporation, Robinsons Land Corporation, at Ortigas & Company Limited Partnership.

Sa naging talumpati ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, binati nito ang DOTr at TTM-JV para sa “milestone” na dalhin ang Metro Manila Subway malapit sa reyalidad.

Sinabi pa ni Koshikawa na ang Tokyu construction, pinuno ng TTM-JV, ay “well-known for their significant expertise in the construction of railways and its related developments.”

“I am confident that they certainly will apply Japan’s cutting-edge technology and knowledge to the Metro Manila Subway’s best advantage,”ayon kay Koshikawa.

Ang Metro Manila Subway ay bahagi ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte at makikita na magiging partially operational sa taong 2025.

“Primarily funded through grants and loans from the Japanese government, the 35-kilometer subway will run from Valenzuela City to the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3,” ayon sa DOTr.

Kinabibilangan naman ito ng 15 subway stations, maaaring magsilbi sa hanggang isang milyong pasahero araw-araw at makikita na mababawasan ang travel time sa pagitan ng NAIA at Quezon City mula 70 minuto ay magiging 35 minuto na lamang. Kris Jose