P17M shabu nasabat sa African sa Cavite

P17M shabu nasabat sa African sa Cavite

January 29, 2023 @ 10:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P17.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang African national sa General Trias, Cavite nitong Sabado ng umaga, Enero 28.

Ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation sa Palmdale Village sa Governor’s Hill, ng naturang bayan.

Kinilala ang suspek sa pangalang Ebuka Valentine Ezike, nasa hustong gulang, na hinuli ng mga awtoridad makaraang makapagbenta ng nasa 500 gramo ng shabu sa poseur buyer.

Nakuha mula sa kanya ang isang kilo ng “brownish granules substance” at isang kilo ng “brownish powdered substance” na pinaniniwalaang shabu.

Tumitimbang ito ng nasa 2.5 kilo at may market value na P17,250,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC