P18.4M marijuana nasabat sa Mt. Province

P18.4M marijuana nasabat sa Mt. Province

October 13, 2021 @ 10:27 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MT.PROVINCE – Halos mahigit P18.4 Milyon ang halaga ng marijuana na nasabat at naharang ng mga otoridad sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, sa nasabing probinsya.

Sa panayam ng Remate News Central kay Gil Cesar Castro, Regional Director ng Philippines Drugs Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region o PDEA-CAR ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34-anyos, Dario Di-wean Diway, 23-anyos at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19-anyos na kapwa residente ng Cudal, Tabuk City, Kalinga

Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Mt Province, PDEA  MIMAROPA , Sadanga MPS, PIU/DEU-MPPPO, MPPMFC 2nd Coy ay narekober ang isang daan apatnaput walo o (148) piraso ng pinatuyong dahon ng marijuan bricks, anim (6) piraso ng tubular na naglalaman ng marijuana na tumitimbang ng halos mahigit kumulang 154,000 grams na nagkakahalaga ng Php18,480,000 .

Maliban sa pinatuyong dahon ng marijuana ay nasamsam  mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) gray Nissan Almera with conduction sticker F4 I137, Tooter, Lighter, Brown Leather Belt Bag, Spare Tire, anim na Coconuts, Green Sack, Blue Sack, Yellow Sack, dalawang  White Sacks,  Vivo Smartphone, White Samsung Keypad Cellphone, Black Nokia Keypad Cellphone.

Ang mga naarestong suspek ay pansamantala nasa Sadanga Police Station habang inihahanda ng mga operatiba ang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco


  •  
  •  
  •