P188.4M jackpot prize ng SuperLotto 6/49, nasolo ng Bulakenyo!

P188.4M jackpot prize ng SuperLotto 6/49, nasolo ng Bulakenyo!

October 24, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng SuperLotto 6/49 sa katatapos na draw kagabi.

Sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng mananaya ang kombinasyon na 09-03-19-13-20-29 na may jackpot prize na P188,471,378.80.

Samantala nasa 171 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P50,000 makaraang makakuha ng limang kombinasyon.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Mel Robles, nabili ang maswerteng ticket mula sa isang outlet sa Guiguinto, Bulacan.

Hiindi naman nahulaan mananaya ang six-digit winning combination na 39-07-58-37-50-16 ng UltraLotto 6/58 na binola rin ng PCSO nitong Linggo ng gabi, kaya’t hindi pa rin naiuwi ang katumbas nitong jackpot prize na P152,287,283.60.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang premyo sa susunod na bola nito sa Martes.

Ang SuperLotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggon habang ang UltraLotto 6/58 ay binubola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Toto Nabaja