P18B inilaan sa repatriation program ng OFWs sa gitna ng pandemya- OWWA

P18B inilaan sa repatriation program ng OFWs sa gitna ng pandemya- OWWA

December 12, 2021 @ 9:00 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) nitong Sbado na gumastos ito ng halos P18 bilyon sa repatriation program ng pamahalaan para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“Siguro mga P18 billion na ang nagastos in all since 2020 at saka 2021,” pahayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa DZBB.

Kasama sa halagang ito ang pagkain, hotel accommodations, at transportasyong ginamit sa pagpapauwi sa OFWs.

Ayon kay Cacdac, gumagastos ang OWWA ng P30 milyong kada araw sa pagbabayd sa hotels na ginagamit bilang quarantine facilities.

Sa pinakabagong budget hearing para sa DOLE-OWWA,  i[pinaliwanag ni Cacdac na nakalaan ang “all-time high” P11.2 bilyon para sa emergency repatriation sa 2022, at maaari pa umano itong umabot sa P14 bilyon kung isasama ang sweldo ng OFWs.

Bago ang pandemya, sinabi ni Cacdac namay nakalaang P1 bilyong budget para sa OWWA, kasama na ang pagbabayad sa sahod ng OFWs. RNT/SA