P18M fossilized giant clam shell inabandona sa Palawan

P18M fossilized giant clam shell inabandona sa Palawan

November 8, 2022 @ 8:06 AM 4 weeks ago


PALAWAN – Aabot sa siyam na tonelada ng fossilized giant clam shell ang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bayan ng Dumaran.

Nakipag-ugnayan naman ang PCG sa Dumaran Bantay Dagat upang hakutin ang mga nakakalat na shell sa dalampasigan sa Sitio Malagu ,Barangay Santa Teresita.

Ayon sa PCG Dumaran Sub-Station, nagkakahalaga ng P18 milyon ang 310 pirasong giant clam shell na inabandona sa dalampasigan.

Inaalam na ng PCG kung sino ang nag-iwan sa mga shells na maaring maharap sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang sinumang mahuhuli na nangongolekta ng endangered animal species. Jocelyn Tabangcura-Domenden