P18M relief assistance naipamahagi na sa flood-hit areas – DSWD

P18M relief assistance naipamahagi na sa flood-hit areas – DSWD

December 29, 2022 @ 3:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units ang hindi bababa sa P18 milyong halaga ng food at non-food items sa mga lugar na apekatado ng pagbaha dulot ng pag-ulan mula sa shear line.

Batay sa ulat ng DSWD’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, hanggang nitong Dec. 28, P18 milyong halaga ng tulong na ang naipamigay sa mga apketadong lugar kabilang ang Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga.

Naapektuhan sa shear line ang 117,321 pamilya o 470,261 indibidwal.

Mayroong 22,292 pamilya, o 91,874 indibidwal, na kasalukuyang nananatili sa 328 evacuation centers, habang 19,449 pamilya, o 86,690 indibidwal, na nakikipanuluyan sa mga kaanak.

Mayroong mahigit P1.24-billion halaga ng relief resources ang DSWD, na binubuo ng  P100 million standby funds o quick response fund at P1.14-billion halaga ng stockpiles na nakahanda para sa distribusyon. RNT/SA