P19.9B droga, winasak ng PDEA
March 16, 2023 @ 10:35 AM
1 week ago
Views: 162
Shyr Abarentos2023-03-16T10:35:07+08:00
MANILA, Philippines- Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pinakamalaking halaga ng dangerous drugs at controlled precursors and essential chemicals (CPECs). Binubuo ito ng iba’t ibang iligal na droga na nasamsam mula sa anti-drug operations na isinagawa ng PDEA katuwang ang law enforcement at military units.
Isinagawa ng PDEA ang pagwasak sa 3.7-ton (3,746,081.07 grams) droga nitong Huwebes sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite. Tinatayang ₱19,965,441,929.59 bilyon ang kabuuang halaga nito.
Ayon sa report ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa mga winasak na drug evidence ang mga sumusunod:
-
2,715,151.4251 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu (₱18,463,029,690.54);
-
306,787.0243 gramo ng Marijuana (₱36,814,442.92);
-
407.7200 grams ng Cocaine (₱2,160,916.00);
-
340.8424 gramo ng MDMA o Ecstasy (₱ 1,353,813.27);
-
15.6000 gramo ng Diazepam (₱604.50);
-
1.0823 gramo ng Nitrazepam (₱23.00)
-
7.2429 gramo ng Meth+Caffeine
-
12.2024 grams ngKetamine (₱47,589.36);
-
668,918.8680 gramo ng Ephedrine
-
704.3800 gramo ng MDA
-
95.6000 gramo ng Meth+MDMA
-
13.1555 gramo ng Psiloscin
-
33,625.9300 gramo ng N-Dimethylamphetamine
-
716,500.0000 milliliters ng Meth HCl;
-
252.0000 milliliters ng GBL (₱374,850.00);
-
40,000.0000 milliliters ng Ephedrine+Meth HCl;
-
107.00 milliliters ng Liquid Marijuana; at
-
20,000.00 milliliters ng Surrendered Expired Medicines. Danny Querubin
-
March 24, 2023 @7:56 PM
Views: 67
MANILA, Philippines – Magsasagawa pa rin ng mga committee hearing ang House of Representatives kahit pa man naka-Holy Week break, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Romualdez pinahintuluan niya ang pagdaraos ng mga pagdinig upang mapabilis ang pagpapatibay sa mga nakabinbin pang priority bills.
Bago ang break ng Kamara ay naipasa nito sa ikatlo at huling pagbasa ang 23 sa 31 na mga panukalang batas na prayoridad sa Legislative-Executive Advisory Council(LEDAC).
“These measures were already transmitted to the Senate,” pahayag ni Romualdez.
“We have done our share in passing important pieces of legislation
that will help the country recover from the crippling impact of the
COVID-19 pandemic and external shocks that adversely affect the
economy and the nation. That was our commitment during the series of meetings at LEDAC. That is our continuing commitment to the Filipino people,” dagdag pa nito.
Sa listahan ng mga priority bills ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., dalawa dito ang naisabatas na kabilang ang Mobile Subscriber Information Registration Act at pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023.
Ang LEDAC-endorsed bills na naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ay ang mga sumunusunud: Magna Carta of Seafarers,
E-Governance Act / E-Government Act, Negros Island Region, Virology
Institute of the Philippines, Passive Income and Financial
Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management
Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical
Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act /
E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police
and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law,
Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern
Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone,
Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed
Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training
Program, at Rightsizing the National Government.
Ang walo pa na nakabinbin ay ang Regional Specialty Hospitals (for second reading approval), Enabling Law forthe Natural Gas Industry (under technical working group or TWG deliberation), National Land Use Act (TWG); Department of Water
Resources and Services and Creation of Water Regulatory Commission
(TWG), Electric Power Industry Reform Act (for committee
deliberation), Budget Modernization (for committee deliberation),
National Defense Act (for committee deliberation) at Unified System
of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel (for committee deliberation).
“We are working double time to pass the remaining eight LEDAC measures
and our own priority bills. We are confident of approving them on
third and final reading before the sine die break,” ani Romualdez.
Maliban sa 31 LEDAC priority bills ay 21 pang panukala ang nais na tutukan ng Kamara. Gail Mendoza
March 24, 2023 @7:43 PM
Views: 60
MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation- National Capital Region (NBI-NCR) ang tatlong indibidwal dahil sa pag-iisyu ng pekeng official receipts at invoices.
Kinilala ang mga naaresto na sina Gabrille Samantha Marie Chua y Lao, John Lim Chua at Jose Joaquin Lai y Limjap, residente ng Quezon City na nahaharap sa kasong paglabag sa Falsification of Commercial Documents under Article 172 in relation to Article 171 of the Revised Penal Code.
Batay sa impormasyon na nakuha ng NBI-NCR, isang kompanya ang itinatag na ang negosyo nito ay mag-isyu ng official receipts at sales invoices bagama’t wala itong active business operation at assets.
Nabatid pa na ang mga inisyung resibo at invoices ay may katumbas na 7% sa kabuuang halaga ng resibo upang makaiwas sa pagbabayad ng taxes sa gobyerno.
Dahil dito, nagsagawa ng transaksiyon ang NBI-NCR kung saan nakumpirma na ang nasabing kompanya ay nag-ooperate sa ilalim ng “Smart Ideas Marketing” at noong Marso 3 ay nag-isyu sila ng search warrant laban sa naturang kompanya na matatagpuan sa E. Rodriguez, Quezon City.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa may-ari nito na si Gabrille.
Inaresto rin sina John at Jose na nag-iisyu ng official receipts at invoices sa mga undercover agent.
Kinumpiska naman ng mga awtoridad ang mga resibo at invoices na kanilang ginagamit sa kanilang pekeng transaksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
March 24, 2023 @7:30 PM
Views: 62
TIGBAUAN, Iloilo City- Tadtad ng tama ng bala ng baril, nakapiring ang mata at nakagapos ang mga kamay ng isang notoryus na kawatan matapos matagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote, kahapon ng umaga, Marso 23 sa bayang ito.
Kinilala ang biktimang si Allen Sanchez, at nakatira sa Barangay Sto. Niño Norte, Arevalo, Iloilo City.
Batay sa report ng Tigbauan Municipal Police Station, bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang nakadapang bangkay ng biktima sa bakanteng lote na sakop ng Brgy. Linobayan, ng naturang bayan.
May nakasulat sa likod ng suot ng t-shirt ng biktima na, “Para sa bayan, Toto Desilos Ungka BJMP Munti Drug Group.”
Kinumpirma naman ni Ungka BJMP Warden Atty. Jairus Anthony Dogelio ang pagkakakilanlan ng biktima na dalawang taong nakulong si Sanchez sa kasong Theft taon 2013 at nakalabas taon 2014.
Subalit, muling nakulong ito noong Hunyo 2019 at nakalabas ng kulungan Oktubre 2019.
Nakumpirma rin na may isang nagngangalang Toto Desilos ang nakakulong sa BJMP, Ungka at iniimbestigahan ngayon kung may kinalaman siya sa pagkamatay ni Sanchez.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico
March 24, 2023 @7:25 PM
Views: 536
Manila, Philippines – Sa episode ng Dabarkads Vlog sa YouTube channel ng Eat Bulaga, sinagot ni Alden Richards ang lahat ng mga katanungan ng fans, kasama na rito ang pagbabalik niya sa noontime show.
Last March 11, 2023 nang muling mapanood si Alden sa EB makalipas ang isang taon niyang pagkawala sa sariling show.
Ipinaliwanag ni Alden sa vlog kung bakit nga hindi siya nakakasipot sa show nitong nakalipas na isang taon.
“Last year, medyo nag-pile up yung projects na kailangan kong gawin. Nagtayo rin ako ng sarili kong production company. Sinolidify ko muna yung foundation nu`n.
“Ayoko kasi na bumalik sa Eat Bulaga tapos paisa-isa lang. Gusto ko, pag bumalik ako, committed ako. Kahit hindi man everyday, basta at least hindi lang ako mawawala for the week.
“So, inayos ko muna lahat `yon para pagbalik ko rito, at least buo ako na haharap sa mga Dabarkads ang to be a host of the show,” paliwanag ni Alden.
Sabi niya, itinuturing niyang 2nd permanent home ang EB at binalikan niya kung paano siya naging part ng show eight years ago.
Nagsimula lang daw siya as guest every Saturday hanggang maging regular host. Sobrang saya daw ang nadama niya that time.
“Kasi imagine, yung noontime show na kinalakihan ko kasama yung family ko, bigla akong kukunin as regular host, aba yun ang tinatawag na dream come true natin,” aniya.
“How many opportunities in a lifetime ka mao-offer-an na to be a part of the longest running noontime show with Tito, Vic (Sotto) & Joey (de Leon) and the Dabarkads?
“Yun kasi yun, eh. I mean, I`ve been a part of the show for eight years already. Kapag lumalabas ako or whatever I do shows, in a way, medyo kadikit ko na ang pangalan ng Eat Bulaga,” dagdag pa ni Alden.
May nagtanong kung ano raw ang binili niya sa kanyang unang suweldo sa EB.
Sagot niya ay sapatos dahil marami raw ang nakakapansin na paulit-ulit ang isinusuot niyang sapatos.
“Eh, kasi ako naman talaga, hindi ko masyadong binibigyan ng pansin yung fashion ko, especially sapatos kasi mahilig talaga ako mag-ulit, eh. Kaya hanggang ngayon, yung sapatos ko puro puti kaya hindi n`yo mapapansin na bago siya, magkakamukha,” paliwanag niya.
Ang tanong ay kung ano’ng mangyayari kapag nagkaroon ng revamp ang longest running show na magkakaroon ng big announcement sa April 15.
Sa interview ni Alden kay Nay Cristy ay tahasang sinabi ni Alden na hindi siya kakalas sa Dabarkads at kina Tito, Vic and Joey. Gerry Ocampo
March 24, 2023 @7:24 PM
Views: 77
Manila, Philippines- Sa panayam ni MJ Marfori kay Coco Martin ay tinanong ng una ang huli, kung ano ang masasabi niya sa mga naging pahayag laban sa kanya ng motivational speaker na si Rendon Labrador.
Sabi ni Coco,”Kapag hitik ang bunga talagang may babato at babato sa ‘yo. Ako, iniintindi ko na lang na siguro yung mga tao, gusto maghanapbuhay, o kailangan lang na gawin ‘yun. Pero alam ko naman na sana, wala silang masamang intensyon na manggulo o makagulo kasi hindi maganda eh.”
Matatandaang tinawag ni Rendon ang pansin si Coco matapos niyang mabasa ang hinaing ng isang netizen patungkol sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco, na nakaaapekto raw sa kanilang pagbebenta sa Quiapo.
Hindi lang isang beses nangyari ang pag-call out nito kay Coco at may video post rin ito kung saan tinawag niya ang aktor na anak ng tokwa, at sinabihang huwag raw mang-istorbo sa Quiapo at sa halip ay maghanap ng sariling studio.
Pero sa kabila ng mga hindi magandang sinabi ni Rendon kay Coco, hindi nagalit ang aktor sa kanya, bagkus ay inunawa na lang siya nito.
“Pero sa akin kasi, sabi nga nila kung sino ‘yung nakakaunawa ‘di ba, pagpasensyahan mo na lang, unawain mo na lang.
“Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro yung pagiging mabuting tao na lang ang binabalik ko, kaysa na patulan ko or ano,” aniya pa.
Ipinaliwanag din ni Coco na wala naman silang nilalabag na batas sa pagte-taping sa Quiapo dahil nagpaalam sila at alam nila ang kanilang ginagawa.
“Para sa akin kasi, mas marami tayong ano eh, bagay na pag-ukulan, naghahanapbuhay ka lang naman. Sa palagay ko naman wala kaming ginagawang masama, ‘di kami lumalabag sa batas, kasi sa una’t una, alam namin po yung ginagawa namin.
“Pangalawa, nagpaalam po kami sa mayor, sa Manila City Hall. Meron din po kaming permiso, una sa ating kapulisan, sa barangay, at pati po sa simbahan ng Quiapo, at sa mga kapatid nating Muslim.
Lahat ng ‘yon, naka-organize, at napagpaalaman po natin.” Rommel Placente