P199.8M shabu nasabat sa Cavite buy-bust; party list nominee, suspek

P199.8M shabu nasabat sa Cavite buy-bust; party list nominee, suspek

January 26, 2022 @ 1:33 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasabat ang papalo sa P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong suspek na kinabibilangan ng isang party list nominee at isang menor de edad sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon.

Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP), nominee party list ng Peoples Volunteer Against Illegal Drug (PVAID) (Number 39); Jerklie Abdulkarim (Datu), at isang Tato, 17-anyos.

Sa ulat ng NBI-TFAID, nakatanggap sila ng impormasyon noong January 23 na nagbebenta si Datu ng nagkakahalaga P900,000 na shabu kung kaya’t nagsagawa sila ng operasyon.

Kinabukasan, nagkasundo si Datu at ang informant na susunduin nito ang isang kaibigan na kinilalang si Asrap sa isang lugar sa Roxas Boulvard sa Pasay City bago sila tumuloy sa Dasmarinas City

Sakay ng isang Nissan Sentra na minaneho ng isang operatiba ng NBI-TFAID, sinundo nila si Asrap at nagtuloy sa Paliparan III, Dasmarinas City, Cavite kung saan dito ibibigay ang P900,000 halaga na shabu.

Pagdating sa lugar, pumasok sa sasakyan ang  kausap ni Datu na si Tato kung saan iniabot kay Asrap  ang isang maliit na kahon na naglalaman ng shabu.

Dito na inaresto ang mga suspek ng pinagsamang puwersa ng NBI-TFAID, Philippine Drug  Enforcement Agency (PDEA) at e PNP-Cavite Provincial Office.

Nakuha kina Datu, Asrap at Tato ang 293.5185 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P199,800,000.

Kasong paglabag sa Secs. 5 and 11 of RA 9165 (The Comprehension Dangerous Drug Act of 2020) ang kinakaharap ng mga suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)