P19M ismagel na puting asukal nasabat sa Maynila

P19M ismagel na puting asukal nasabat sa Maynila

January 13, 2023 @ 4:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Humigit-kumulang P19 milyong halaga ng smuggled na puting asukal ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force sa Manila International Container Port na matatagpuan sa Tondo, Maynila.

Ayon sa PCG, nakita ang saku-sakong smuggled na puting asukal sa loob ng limang container van na base sa mga dokumento ay naglalaman ng mga insulator, surge arrester, slipper outsole, at styrene-butadiene rubber.

Nakatakda namang maglabas ng warrant of seizure and detention para sa naturang kargamento ang ahensya dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Napag-alaman na kasama rin sa naturang operasyon ang Department of Agriculture-Wide Field Inspectorate (DA-WFI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BOC). Jocelyn Tabangcura-Domenden