P1B Marawi compensation may budget sa 2023

P1B Marawi compensation may budget sa 2023

September 5, 2022 @ 8:28 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Pagkatapos ng limang taon mula nang gyerahin ng mga rebelde ang Marawi City, pinaglaanan na ito ng P1 bilyon para sa mga residenteng nawalan ng ari-arian.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) para sa kompensasyon ng mga residenteng nawalan ng tirahan noong 2-17 Marawi siege.

“The allocation for the Marawi Siege Victims Compensation Fund has been included in the 2023 national budget. The item is lodged in the P31-billion Calamity Fund for next year,” ayon kay Pimentel .

Ang pondo ay nakapaloob at naaayon sa Marawi Siege Victims Compensation Law of 2022, o ang Republic Act No. 11696.

Ang pondong P1 bilyong ay nakalaan para sa kompensasyon ng “lawful owners of residential, commercial and other properties, including cultural structures, destroyed or damaged, either totally or partially, on the occasion of the Marawi siege; at owners of private properties demolished in accordance with the Marawi Recovery, Rehabilitation, and Reconstruction Program.”

Sinabi ni Pimentel na umaasa siyang makatutulong ang kompensasyon upang makapagsimula ulit ang mga biktima ng Marawi siege, muling makapagtayo ng bahay at makapagsimula ng negosyo.

“We expect the compensation payout to rev up reconstruction activities in Marawi by private property owners. The private rebuilding activities in turn will have a multiplier effect on the local economy in terms of creating new jobs and income that tend to benefit low-income households.”

Sakop na mabibigyan ng kompensasyon ang mga may-ari ng nawasak na moske, madaris, schools, colleges, hospitals at iba pang health facilities ganoon din ang mga nawasak na home appliances, jewelry, machineries, rice mills at iba pang equipment na may halaga.

Binanggit pa ng kongresista na ang limang buwang pananakop ng mga terorista sa Marawi City, Lanao del Sur noong 2017 ay sumira sa may 95 porsyento ng istraktura sa may 24 na barangays bunga na aerial at artillery bombardment na naging dahilan din ng dislokasyon ng may 200,000 sibilyan. Meliza Maluntag