P1K allowance ng PWDs inihain sa Kamara

P1K allowance ng PWDs inihain sa Kamara

September 3, 2020 @ 2:46 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihain ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor ang panukalang batas na naglalyong bigyan ng P1,000 buwanang pensyon ang lahat ng rehistradong persons with disabilities (PWDs) sa bansa para masiguro na kabilang ang mga ito sa microfinance, microinsurance at microenterprise programs ng pamahalaan.

Ayon kay Tutor na vice chairperson din ng House Committee on Health, inihain nito ang House Bill No. 7571 o ang “Persons with Disabilities Financial Resilience Act” para mabenipisyuhan ang mga PWD sa bansa na kabilang sa mga pinakanaapektuhan ng coronavirys disease 2019 o COVID-19 pandemic.

“To augment current government assistance programs for PWDs, this bill establishes a Social Pension Program for all registered PWDs. The social pension shall be in the amount of P1,000 per month which may be disbursed on a quarterly, semi-annual, or annual basis as may be deemed necessary and appropriate by the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” saad ni Tutor.

Aniya, ang inihaing panukalang batas ay dapat ihiwalay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at isama sa mga programa ng mga local government unit (LGU) na pinagmumulan ng mga nalalabing pondo at maging ang kanilang bahagi sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Sa kabilang banda, ang mga senior citizen naman na kasalukuyan ng nakatatanggap ng DSWD social pension program ay hindi na kabilang sa nasabing bill.

Nabatid ng nasabing bill ay humihirit sa pagbuo ng National Persons With Disability (PWD) Registry na magsisilbing beripikado, ligtas at shared access consolidated national database ng lahat ng PWD sa bansa na nakabase sa detalyadong national household inventory.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, ang DSWD, National Council on Disability Affairs (NCDA), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), National Privacy Commission (NPC) at Philippine Statistics Authority (PSA) ay aatasang bumuo ng nasabing registry.

“The Registry data shall serve as the bases for the special PWD classification and marking by the Philippine Identification System for the issuance of the PhilSys National ID and consequent availment for benefits,” nakasaad dito.

Nagbibigay direktiba rin ito sa Department of Finance (DoF), Department of Trade and Industry (DTI), Small Business (SB) Corp. at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pangunahan ang pakikibahagi ng mga PWD at mapabilang ang mga ito sa mga programa at proyekto sa ilalim ng microfinance, microinsurance at microenterprise. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...