P1K badyet sa Noche Buena, kasya – DTI official

P1K badyet sa Noche Buena, kasya – DTI official

December 3, 2022 @ 9:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasya ang P1,000 na badyet sa simpleng Noche Buena sa Pasko.

Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) kasabay ng pagsasabi na wala muna silang papayagang dagdag-presyo sa ilang basic commidities hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Nangangahulugan ito na sa susunod na taon na lamang pagdedesisyunan ng DTI kung papayagan nila ang hirit na taas-presyo ng mahigit 50 na mga pangunahing bilihin.

“After New Year, mga early next year or early in the first quarter, saka tayo gagalaw ng presyo para rin this way nakaalalay tayo sa consumers na ang basic necessities and prime commodities di pa muna gagalaw dahil ang Noche Buena products gumalaw na,” pagbabahagi ni Castelo.

Sa isinagawang monitoring, nakumpirma na walang naitalang paggalaw sa presyo ng ilang Noche Buena products nang ilabas nila ang price guide nitong Nobyembre.

Dahil dito, para kay Castelo, ay kakayanin naman ng P1,000 na badyet ang Noche Buena ng isang buong pamilya.

“For a family of 4 or 5 kasya na rin. Nag-compute tayo. Kahit papaano P1,000 will be good for one family na merong Noche Buena products na ilalagay sa lamesa,” aniya. RNT/JGC