P1K dagdag benepisyo sa public school teachers alay sa World Teachers’ Day

P1K dagdag benepisyo sa public school teachers alay sa World Teachers’ Day

October 3, 2022 @ 5:54 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Tatanggap ng tig-P1,000 ang mahigit 900,000 public school teachers bilang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa Oktubre 5.

Ipinahayag ito ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, miembro ng House appropriations committee sa pagsasabing “we have an itemized sum of P925 million that is meant to pay for the WTDIB of our teachers this year. The amount is specified in the 2022 General Appropriations Act.”

Ang alokasyong para sa mga guro ay malinaw na nakasaad sa GAA ng 2022 special provision WTDIB at ipamimigay ito sa taunang World Teachers’ Day celebration.

“We wish to assure our teachers that we in Congress are absolutely determined to sustain the annual funding for their WTDIB,” ani Rillo.

Ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay itianakda ang October 5 taun-taon bilang World Teachers’ Day bilang pagkilala na rin sa napakahalagang papel ng mga guro sa pagtuturo sa mga bata at kabataan.

Nakasaad aniya sa Republic Act No. 10743 na Oktubre 5 ay deklaradong National Teachers’ Day upang maipagdiwang at papurihan ang mga guro.

Inilatag din sa probisyon ng batas ang pagsunod sa universal standards para sa paghahanda, recruitment, employment at ang patuloy na pagsasanay ng mga kaguruan.

“The observance marks the anniversary of the Oct. 5, 1966 global adoption of the UNESCO-International Labor Organization Recommendation Concerning the Status of Teachers. The approved document proclaimed the international benchmarks on the rights and responsibilities of teachers,” dagdag pa ni Rillo sa kaniyang pahayag.

Ngayong taon ay itinakda ng UNESCO na magisng stema sa World Teachers’ Day ang “The transformation of education begins with teachers.” Meliza Maluntag