P1K social pension ng senior citizen, batas na

P1K social pension ng senior citizen, batas na

August 2, 2022 @ 6:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naisabatas na ang bagong batas na magbibigay ng P1,000 social pension sa lahat ng senior citizen sa bansa dahil napag-iwanan bilang batas an g Republic Act  No. 11916 mula sa dating P500 kada buwan, ayon kay Senador Grace Poe.

Sa ginanap na sesyon nitong Martes, Agosto 2, 2022, sinabi ni Poe na mahigit isang dekada nang naipasa ang naunang batas na  ang Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

“At isang dekada na ring pinagkakasya ng mga senior citizen ang P500 buwanang pensyon bagama’t ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nagtaasan na,” giit ni Poe.

Ayon kay Poe, ngayon naisabatas ang kasunod ditto, ang Republic Act No. 11916 na naglalayong itaas ang social pension ng indigent senior citizens na hindi bababa ng P1,000 kada buwan.

“But with the passage of Republic Act No. 11916, the measure seeking to increase the social pension of indigent senior citizens to not less than P1,000, we are now affording our lolos and lolas the opportunity to receive better health and life care that they truly deserve,” ani Poe.

Bukod sa mas mataas na social pension, sinabi ni Poe na mahalaga sa aspeto ng batas ang adaptive character nito na pinayagan na magkaroon ng adjustment ang social pension kung kinakailangan kada dalawang taon na pero dapat magkaroon ng rebyu at konsultasyon at titignan ang umiiral na consumer price index.

“As principal author of the measure, I thank my colleagues for supporting this important and long-overdue legislation. But this would not have been possible if not for the steadfast commitment and able leadership of Sen. Joel Villanueva during his chairmanship of the committee on social justice, welfare and rural development last Congress. I suppose this would be one meaningful birthday celebration for our dear Majority Leader,” Poe said.

Ipinarating ng Palasyo sa Senado ang kopya ng Republic Act No. 11916 na naging batas matapos itong mapang-iwanan alinsunod sa Saligang Batas.

“We likewise extend our gratitude to President Ferdinand Marcos Jr. for recognizing and acting on the needs of our senior citizens,” ayon kay Poe.

“Lahat po tayo tatanda. Ito’y kabayaran din sa pag-aaruga na ibinigay sa atin ng ating mga lolo at lola. Any investment we make on our elderly today will benefit us in the future,” dagdag ni Poe. Ernie Reyes