P1M cash sa mga Pinoy na aabot sa 101-anyos, ihahain sa Kamara

P1M cash sa mga Pinoy na aabot sa 101-anyos, ihahain sa Kamara

January 20, 2022 @ 6:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Isa sa mga isinusulong sa Kamara ang paggawad sa Pilipino na aabot ng 101-anyos ng P1 milyon, sa nalalabing anim na sesyon ng Kongreso bago ang campaign period sa Pebrero.

Isinusulong ng House Committee on Senior Citizen Affairs ang pagpasa sa House Bill 10647 na magpapanatili sa panukala na paggawad sa senior citizens na aabot sa 100 taon ng P100,000 sa pagiging centenarian.

Subalit sa ilalim ng panukala na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016, makatatanggap din ang octogenarians at nonagenarians ng cash incentives.

Batay sa HB 10647, bibigyan ng P25,000 ang Pilipino na aabot ng 80-anyos.

Bukod sa cash incentive, makatatanggap ang indibidwal ng letter of felicitation mula sa Pangulo ng bansa. RNT/SA