P1M ‘damo’ binunot sa Kalinga

P1M ‘damo’ binunot sa Kalinga

September 6, 2022 @ 3:24 PM 3 weeks ago


RIZAL, KALINGA- Nadiskubre ng mga awtoridad ang mahigit 5,000 puno o fully grown marijuana plants na nakatanim sa tinatayang 500 square meters sa bulubunduking bahagi ng Sitio Anunang, Barangay, Liwan West, Rizal Kalinga.

Ayon kay Regional Director Gil Cesar Castro ng PDEA CAR, ang nasabing marijuana ay nagkalahalaga ng P1 milyon na kasalukuyang binubunot at sinusunog sa naturang lugar.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing marijuana plantation. Rey Velasco