P1M halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat sa Jolo

P1M halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat sa Jolo

November 27, 2022 @ 4:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P1 milyon halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa operasyong ikinasa sa Jolo, Sulu.

Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nasa 30 case ng smuggled na sigarilyo ang nasabat sa Zone 3, Barangay Tulay ng mga tauhan ng BOC – Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Bahagi ng Section 117 ng R.A. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016, batay sa Executive Order Number 245 o ang “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products” ang batayan sa operasyon. RNT/JGC