P1M halaga ng shabu nasabat sa casual gov’t employee sa Negros

P1M halaga ng shabu nasabat sa casual gov’t employee sa Negros

November 27, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang 155 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,054,000 sa isang casual employee ng local government unit ng Manapla, Negros Occidental sa ikinasang buy bust operation sa Barangay 1A ng nasabing bayan nitong Sabado, Nobyembre 26.

Ang casual employee ng naturang LGU ay kinilalang si Steve Silava, 36-taong gulang at residente ng kaparehong barangay.

Ayon kay Capt. Gerald Muya, pinuno ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), tinututukan na nila si Silava mula pa noong nakaraang taon.

Nang makakuha ng tyempo ay nagkasa na ng operasyon ang Special Operations Unit (SOU)-Western Visayas ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) na sinuportahan ng PDEU.

Napag-alaman na noong 2017 ay naaresto na pala si Silava dahil din sa illegal na droga at pinakawalan tatlong taon makalipas nito sa pamamagitan ng plea bargaining.

Ayon kay Mura, ikinukunsidera ang suspek na high value individual at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/JGC