P1M ibibigay sa sinomang aabot sa 101-anyos

P1M ibibigay sa sinomang aabot sa 101-anyos

March 5, 2023 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Senador Risa Hontiveros ang isang panukalang batas na magbibigay ng isang milyong piso sa sinumang Filipino na aabot sa edad na 101 taong gulang.

Sa pahayag, sinani ni Hontiveros na nakatakda rin sa Senate Billl 1951 na magbigay ng halagang P25,000 cash gift sa Filipinong aabot sa edad na 80, 85, 90 at 95.

Base sa explanatory note, sinabi ni Hontiveros na aamyendahan ng panukala ang batas na nagbibigay ng benepisyo sa senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng kailangang pondo at himukin silang ipagpatuloy ang produktibong pamumuhay.

“The potential beneficiaries of the Centenarians Act of 2016 remain limited because most of the elderly population do not become centenarians. Therefore, this bill, also inspired by the concept of healthy and active aging, aims to amend the act to provide senior citizens with greater assistance,” ani Hontiveros.

Binanggit ni Hontiveros na pangkaraniwang nabubuhay sa kahirapan ang maraming senior citizens at nagdudusa sa masamang kalusugan. Aniya, mahigit sa 46% ng bilang ng senior citizens sa bansa ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line, base sa isang pag-aaral.

Hindi din nakakamit ng senior citizen ang ilang mekanismo ng pensiyon mula sa gobyerno, ayon kay Hontiveros.

“Even with the slowing down of the COVID-19 pandemic, the elderly’s exacerbated predicaments remain as many seniors struggle to access sufficient food, medicine and income,” aniya.

Nitong nakaraang budget hearing, tinanggihan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukala dahil baka hindi matugunan ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na ayuda. Ernie Reyes