P1M shabu nakumpiska 2 suspek arestado

P1M shabu nakumpiska 2 suspek arestado

August 27, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


NAGA CITY- HIGIT sa P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad laban sa dalawang suspek Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na si Rodel Palmiano, 47-anyos, bodegero at Charlie Sandigan, 40, construction worker, at kapwa residente sa Brgy. San Felipe, Naga City.

Batay sa report ng Naga City Police Station 3, dakong 3:00 AM nadakip ang mga suspek sa bahay ni Palmiano sa nasabing lugar.

Ayon kay Major Miguel Nool III, station commander Naga City Police Station 3, nakabili sila sa mga suspek ng 50 gramo na shabu na aabot sa halagang P340,000.00.

Narekober rin sa mga suspek ang dalawang nakataling plastic, 20 maliit na plastic na naglalaman ng shabu at aabot kabuuan ng halagang P1 milyon.

Sinabi pa ng pulisya, na dating na rin nakulong si Palmiano taon 2015 sa kasong illegal drugs at parehong nasa High Value Target ang mga suspek na dati na rin mga drug surrenderee.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico