P1M shabu nakumpiska sa Camarines Sur

P1M shabu nakumpiska sa Camarines Sur

November 20, 2022 @ 2:46 PM 2 weeks ago


CAMARINES SUR – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation, iniulat kaninang umaga, Nobyembre 20 sa bayan ng Pili.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Gregorio Richelieu Ayen, 51-anyos, residente ng Zone 3, La Purisima, Pili, Camarines Sur.

Batay sa report ng Pili Municipal Police Station, isinailalim sa monitoring ang suspek at ng magpositibo iniulat ang operasyon laban kay Ayen.

Nakabili ang operatiba sa suspek ng isang maliit na pakete ng shabu sa halagang P500.

Narekober rin sa suspek ang 4 pang maliliit na plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, caliber .38 revolver na may dalawang bala, weighing scale at 5 pang pakete ng shabu.

Ayon sa pulisya, higit sa 150 gramo ng shabu at may kabuuang halaga P1,022,500.00.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Pili-PNP ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico