P1M shabu nakumpiska sa Olongapo

P1M shabu nakumpiska sa Olongapo

September 28, 2022 @ 1:58 PM 2 months ago


OLONGAPO CITY —Higit sa P1-milyon halaga ng pinaniniwalaan shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkahuli sa tatlong suspek sa isinagawang buy bust operation nitong Martes, Setyembre 27 sa lungsod na ito.

Ayon kay PCol Carlito Grijaldo, acting director Olongapo-PNP, nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Olongapo City Drug Enforcement Unit, Police Station 3, Olongapo City Mobile Company at SOU 3 PNP Drug Enforcement Group ang mga suspek sa Jones Street, corner 6th Street of Barangay New Asinan, Olongapo City.

Nakuha sa tatlong suspek na hindi pinangalanan ang 150 gramo na shabu at aabot sa halagang P1,020,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, Section 11, and Section 26B under Article II of Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. Mary Anne Sapico