P1M shabu nakumpiska

P1M shabu nakumpiska

July 9, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


CAGAYAN DE ORO CITY- Mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong nadakip na suspek sa isinagawang buy bust operation Biyernes sa bayan ng Canitoan.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alejandro Yañez, Cerch Carcosa at Jonalyn Nafarrete, pawang mga residente sa Balongis, Balulang, Cagayan de Oro City at nasa listahan ng High-Value Individuals.

Batay sa report ng Police Regional Office 10, Biyernes ng hapon naaresto ang mga suspek sa Zone 1, Canitoan, Cagayan de Oro City matapos isailalim sa dalawang buwang surveillance ng Regional Drug Enforcement Unit 10.

Nakuha sa mga suspek ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 150 gramo na nagkakahalaga ng P 1,020,000.

Kasalukuyan nakakulong sa Maharlika Detention Facility ang mga suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o may kilala sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Mary Anne Sapico