P1M shabu nasabat sa Bataan buy-bust

P1M shabu nasabat sa Bataan buy-bust

December 23, 2022 @ 5:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa nasabat na 160 gramo ng shabu sa ikinasang operasyon sa Barangay Mambog, Hermosa, Bataan.

Ang suspek ay kinilalang si Danilo Resureccion, 55-anyos, at Samsudin Abubakar, 29 na taong gulang.

Nakuha sa dalawang suspek ang nabanggit na bilang ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P1 milyon kabilang ang isang .45 kalibre ng handgun.

Ayon kay Colonel Romell Velasco, Bataan police director, ang dalawa ay matagal nang nasa listahan ng high-value targets sa Bataan at Gitnang Luzon. RNT/JGC