P1T business pledges nahakot ni PBBM sa 1st ‘100 days’

P1T business pledges nahakot ni PBBM sa 1st ‘100 days’

October 3, 2022 @ 6:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahakot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang aabot sa P1-trilyon business commitments at pledges sa kanyang mga naging biyahe sa unang 100 araw ng kanyang administrasyon.

Ilan sa mga bansang kanyang binisita ay ang Indonesia noong Setyembre 4 hanggang 6, Singapore mula Setyembre 6 hanggang 7 at United States mula Setyembre 18 hanggang 24.

Nagresulta ito sa pagkakaroon niya ng aabot sa USD18.92 bilyon o mahigit P1-trilyon na business commitments at katumbas ng nasa 134,285 trabaho.

Matatandaan na sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo 25 ay gagawin ni Marcos ang Pilipinas bilang “investment destination” at gagamitin niya ang Corporate and Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law at economic liberalization laws kabilang na ang Public Service Act at Foreign Investments Act. RNT/JGC