P2.1M consultancy fee ipinababalik ng COA sa GSIS

P2.1M consultancy fee ipinababalik ng COA sa GSIS

December 22, 2022 @ 8:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa mga dating opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS) na i-refund ang ₱2.125 million na consultancy fees na ibinayad nito sa mga pribadong abogado noong 2014.

Sa January 2022 decision ng COA, binasura nito ang ‘petition for review’ na inihain ng respondents, pinagtibay ang nauna nitong ipinalabas na notice of disallowance.

“After a careful evaluation, this Commission rules the payment of consultancy fees to private lawyers retained by GSIS is improper,” ayon sa COA.

Tinukoy sa desisyon ang ilang COA circulars kung saan ang government-owned corporations gaya ng GSIS ay pinagbabawalan na mag-hire ng private lawyers para humawak ng kanilang legal matters maliban na lamang sa exceptional cases.

Sinabi ng state auditors na dapat kinuha ng GSIS ang serbisyo ng Office of the Government Counsel bago mag-hire ng private lawyers.

“The argument that the lawyers were hired as consultants of the Board of Trustees (BOT) and held positions of trust and confidence that served specifically in the interest of the individual BOT and not the GSIS is bereft of merit,” ayon sa COA.

Sa orihinal na notice of disallowance, natuklasan na ang liable o may pananagutan para i- refund ang transaction amount ay sina GSIS president at general manager Robert Vergara, dsting chairman ng BOT Daniel Lacson Jr., at siyam na iba pang opisyal ng GSIS.

Natuklasan din na may pananagutan ang mga consultants/payees kabilang na sina retired Court of Appeals Justice Conrado Vasquez Jr. at Justice Josefina Salonga.

Gayunman, sa pinakabagong resolusyon, binago ng COA ang initial finding nito at hindi na isinama ang mga consultants mula sa mga mananagot,

Ang katuwiran ng COA, hindi kasalanan ng mga ito kung kunin ng GSIS ang kanilang serbisyo ng walang required authorization.

Sinabi ng COA na ang mga mananagot lamang ay sjna Vergara, Lacson, Geraldine Marie Berberabe-Martinez at Romeo M. Alip (mga miyembro ng Board of Trustees); Josefina C. Maitim, Atty. Dickson B. Berberabe, and Elmer R. Lagasca (all Officer V).

“The consultants can be considered recipients in good faith and that services have been rendered for the amount they received from the GSIS. Thus, the officials who approved or authorized the engagement of said consultants are solidarily liable to refund the disallowed payments,” paliwanag ng COA. Kris Jose