P2.1M droga, boga kumpsikado; 5 arestado

P2.1M droga, boga kumpsikado; 5 arestado

July 8, 2022 @ 12:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos P2.1 milyong halaga ng droga ang nakumpiska sa inarestong lima katao sa mga anti-drug operations sa Caloocan at Valenzuela.

Abot sa P1.36 milyong shabu, P168,000 kush, at isang .45 caliber pistol na may dalawang magazines at may 14 bala ang nasabat sa operasyon sa Barangay 54, Caloocan kung saan natimbog sina Emmanuel Joseph Bendal, 31, at; Jess Noriega,41, iniulat ng pulisya Huwebes.

Dakong alas-11:45 ng gabi nitong Hulyo 6 nang matiklo sa Bagumbong Road corner Brilliant View, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan sina Analyn Salibio y Santos alyas “Dada” and Marynol Garcia y Alcala alyas “Candy” at makumpiskahan ng 67 gramo ng shabu na may presyong P455,600.

Bandang alas-6:30 ng umaga naman naman ng Hulyo 7 nang masakote sa buy-bust ops Santolan Road, Gen. T. De Leon, Valenzuela si Menard De Guzman y San Miguel, 40, matapos ingusong nagtutulak at makuhanan ng 15 gramo ng shabu na may presyong P102,000. Merly Iral