P2.1M ismagel na yosi, bistado ng PCG

P2.1M ismagel na yosi, bistado ng PCG

July 9, 2021 @ 4:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Apat na tripulante ang nasa kustodiya ngayon ng NBI- Western Mindanao Regional Office matapos makumpiska ang sinasakyang motorbanca sakay ang 70 kahon ng ismagel na sigarilyo sa Zamboanga City.

Nagkakahalaga umano ang mga kontrabando ng P2.1 milyon.

Ayon sa PCG, dinala naman ngayong Hulyo 9 sa kustodiya naman ng Bureau of Customs ang motorbanca at ismagel na sigarilyo.

Ang motorbanca na Dynasty ay namataan sa baybaying sakop ng Layag-Layag, Zamboanga City habang nagsasagawa ng maritime patro ang BRP Bagacay (MRRV-4410).

Sakay ng motorbanca ang apat na crew na nakilalang sina Karbi Askalani, 35; Benhar Saraba, 32; Ridzkan Hussin, 28; at Radzman Baltapa, 26.

Hinila naman ang motorbanca sa Zamboanga City International Port (ZCIP) para sa imbestigastion. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Image Representation Only