P2.25T Build, Build, More fund ipinanukala ni Salceda
July 20, 2022 @ 12:24 PM
4 weeks ago
Views:
209
Remate Online2022-07-20T12:38:16+08:00
MANILA, Philippines – Inihain ni House Ways and Means chairman Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ang kanyang House Resolution No. 6, isang ‘joint House-Senate resolution’ na nagsusulong sa panukalang “Build, Build More” (BBM) bilang isang ‘National Infrastructure Development Framework’ sa ilalim ng ‘AmBisyon Natin 2040,’ ang ‘long term development program’ ng bansa sa susunod na 25 taon.
Panukala ng HR No. 6 ang BBM na inilalarawan ni Salceda na “’both social and economic infrastructure’ na tatapos sa sobrang kahirapan, lilikha ng higit na malakas na ‘middle class,’ at magpapabilis sa matibay at patas na pag-unlad ng bansa.”
Itatalaga ng BBM ang ‘minimum annual spending target’ na 6% ng ‘gross domestic product’ (GDP), higit na mataas kaysa 5% ng administrsyong Duterte na halos doble naman kumpara naman sa naitala sa ilalim ng panguluhang Noynoy Aquino.
Tinatayang magkakahalaga ito ng mga P2.25 trilyon sa katapusan ng termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’ sa taong 2028.
Kinikilala ng ‘AmBisyon Natin 2040’ na sadyang kailangan ang solusyon sa mga hamong dulot ng sistema sa pulitika ng bansa kung saan limitado ang termino ng Pangulo sa anim na taon lamang, na matutugunan naman ng ‘long-term planning’ o higit na matagal na balangkas at malinaw na pananaw sa ‘socioeconomic development’ landas ng bansa.
Ayon kay Salceda, “sadyang kailangan ang higit na malaking pamumuhunan sa mahahalagang layunin ng AmBisyon 2040 lalo na sa mga imprastrktura.”
Ang panukalang BBM ay batay sa pangako ni Pangulong Marcos na itutloy niya ang programa sa imprastraktura na pinisimulan ni Duterte.
Layunin ng BBM, bukod sa iba pa, ang: 1) Tiyakin ang sapat, mura at laging mayroong suplay ng pagkain sa pamamagitan ng higit na malaking produksiyon, at mabisang impraestraktura para sa produktong agrikultura; at 2) isulong ang komersiyo at industriya sa pamamagitan ng mabilis at higit na mababang halaga ng paghatid nito sa mga pamilihan na dadaan sa mga karsada, tulay, riles ng tren, pantalan, paliparan at iba pang imprastraktura.
Prayoridad ng programa ang 16 mahalagang mga larangan — agrikultura, ‘logistics,’ ‘digital economy,’ ‘disaster resiliency,’ kalusugan, edukasyon, paghasa sa mga kasanayan, edukasyon at enerhiya.
Kasama rin sa mga naturang prayoridad ang mga imprastraktura para sa sining, kultura at mga pamana, ‘economic super regions’ gaya ng ‘Central Philippines Tourism Area, North Luzon Growth Quadrangle and Mindanao Food Basket;’ at gayon ding mga imprastraktura para sa pangkaunlarang siyensiya, kasama ang ‘basic research’ teknolohiya sa agrikultura, kaludugan, ‘digital economy’ gaya ng CRADLE (Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy);
NICER (Niche Centers in the Regions), at BIST (Business Innovations through Science and Technology); mga suportang imprastraktura para sa ugnayang pandagat, kapayapaan sa Bangsamoro at iba pang dating mga awayang lugar, at para madaling pagnenegosyo, at mga hiwa-hiwalay na mga rehiyon sa pamamagitan ng mahuhusay na ‘highway networks.’
Binigyang diin ni Salceda na pananaw ng BBM ang makagawa ng mga imprastrakurang may kalidad at tibay; ang balansiyadong paglalagay nito sa mga napag-iiwanan at progresibong mga rehiyon, at magbibigay ng pinakamataas na benipisyo sa mababang gastos ng gobyerno na naayon sa ‘medium-term fiscal framework;’ matibay sa pananalasa ng pagbabago ng panahon at magsisilbi sa mga nanganganib at inilipat na mga pamayanan.
Inaasahang tutugma ang HR No. 6 sa isa pang katulad nitong Joint Resolution para sa isang ‘medium term fiscal plan’ na ayon kay Salceda ay pinagusapan na nila ni Speaker Martin Romualdez na tatalakayin din nilang dalawa sa mga ‘economic managers’ ng administrasyong Marcos.
“Ang mahalagang punto ng ganitong mga plano ay kung paano popondohan ang programa,” paliwanag ni Salceda at idinagdag niyang ang mga panukalang imprastraktura ay maaayon sa ‘medium term’ na plano sa pananalapi ng bansa.
Tiniyak din ni Salceda na ang panukala niyang BBM ay magiging bukas sa pamumuhunan ng mga tapat na ‘concessional official development assistance (ODA) programs, pag-isyu ng ‘bonds’ kung pabor sa timpla ng merkado, at public-private partnerships and joint ventures.
Layunin din aniya ng BBM na matulungan ang mga LGU sa pagpondo sa kanilang mga proyektong imprastraktura sa pamamagitan ng “capacity development and development of a credit scoring mechanism” na magagamit ng mga pridadong institusyong nagpapautang, at lumikha ng isang sistema para makapag-isyu din sila ng ‘municipal bonds’ sa paraang mabisa at naaayon sa konsepto ng ‘public-private partnership’ o PPP. RNT
August 18, 2022 @7:15 PM
Views:
42
Bulacan- Tukoy na ng mga awtoridad ang suspek sa natagpuang dalagitang siklistang may mga sugat sa braso, leeg at wala nang buhay sa madamong lugar ng Bypass Road, Brgy. Bonga Menor, Bustos noong umaga ng Agosto, 12.
Kinilala ng pulisya na si Gaspar Maneja Jr, alyas Jose Francisco Santos ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Princess Marie Dumantay, 15, Grade 9 student at residente ng Grace Ville, Tower Ville, San Jose Del Monte (SJDM).
Sa patuloy na follow up operation ng Bustos police katuwang ang Quezon City police ay sinasabing isang alyas Jose Francisco Santos ang huling nakitang kasama ng biktima.
Natunton nila ang sasakyang ginamit ni alyas Jose Francisco Santos na Toyota Wigo na may plakang EAE 2913 na nakarehistro sa pangalang Jomer Maneja.
Nang matunton ng mga awtoridad si Jomer ay sinabi nitong simula Agosto 2021 ay wala na sa kanya ang sasakyan, base na rin sa ipinakita niyang mga dokumentong notaryado.
Aniya, dahil hindi na kayang tustusan ang monthly amortization o hulog ng hinuhulugang sasakyan ay ipinasalo niya ito sa nakakatandang kapatid na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos.
Dahil dito, nitong Agosto 17, tuluyan nang kinasuhan ng amang si Rolando Dumantay, 62, kabilang ang tatlong witness ang pangunahing suspek na si Gaspar alyas Jose Francisco Santos sa kasong rape with Homicide at paglabag sa PD No. 38 (Using Fictitious name and Concealing True Name) sa Office of the Provincial Prosecutor office, Malolos City.
Sinasabing ang suspek ay may standing warrant of arrest sa dalawang kasong may kaugnayan sa child abuse na may itinakdang piyansa at rape na walang inirekomendang piyansa na inisyu ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng Family Court, Third Judicial Region Branch 5, SJDM noong Abril 12, 2021. Dick Mirasol III
August 18, 2022 @7:03 PM
Views:
34
MANILA, Philippines – Dudulog sa Supreme Court ang kilalang election lawyer bunsod ng pinagtibay na desisyun ng Kamara na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections (BSKE).
Iginiit ni Atty Romulo Macalintal na walang kapangyarihan ang kongreso na magpaliban ng halalan na kanilang itinakda.
Ang trabaho aniya ng Kongreso ay magtakda lamang kung gaano katagal ang panunungkulan ng mga barangay officials sa isang halalan.
Malinaw aniya na hanggang tatlong termino lamang dapat ang mga barangay at SK officials.
Iginiit ni Macalintal na salig sa batas,maari lamang ipagpaliban ang eleksyon kung karahasan, intimidation at pagkasira ng mga dokumento.”
Una nang inaprubahan sa committee level ang pagpapaliban ng BSKE itong December 5 at sa halip ay gawin ito sa susunod na taon. Teresa Tavarez
August 18, 2022 @6:50 PM
Views:
33
MANILA, Philippines – Nangako ang Bangsamoro government na ipapasa ang kanilang electoral code bago matapos ang taon.
Layon nito na bigyang daan ang eleksyon sa autonomous region sa 2025.
Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Carlito Galvez Jr. na inaprubahan na ang a draft ng electoral code para sa ” comment and vetting.”
“Sa ngayon… sinasabi ni chief minister, baka ‘yung election code ay mapasa before the end of 2022,” ayon kay Galvez sa Laging Handa briefing, tinukoy si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim chief minister Ahod Ebrahim.
“Mayroon na po itong draft at naipasa na rin for comment and vetting. They are very confident na kayang-kaya nilang ipasa in due time.”
“They have already the commitment… They are very confident that they will pass the (BARMM) election code before the end of 2022 in order for us to prepare for 2023 and 2024. Meaning, mas uunahin nila ang election code to give way for the preparations,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Ang first regular parliamentary elections sa BARMM ay naka-iskedyul sana ngayong taon subalit inilapat sa taong 2025 dahil sa kawalan ng Bangsamoro Electoral Code.
Ang eleksyon sa BARMM ay idaraos at isasabay sa 2025 national polls.
August 18, 2022 @6:37 PM
Views:
33
MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatili ang commitment nito na mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ito’y matapos na makipagkita si Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malakanyang, araw ng Miyerkules.
“We welcomed the Chinese Ambassador to the Philippines, H.E. Huang Xilian, in a courtesy call yesterday,”ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post sabay sabing “We are very grateful for the visit, and we look forward to further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples.”
Ang mga larawan ng pagpupulong nina Pangulong Marcos at Huang ay naka-post sa official Facebook page ng una.
Para kay Huang, “greatly honored”siya sa kanyang naging courtesy call kay Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng bagong administrasyon, kumpiyansa si Huang na mas lalo pang lalago ang kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
“We exchanged views on further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples. I’m fully confident that under the strategic guidance of President Xi Jinping and President Marcos, China-Philippines relationship will further grow and achieve more benefits in the years to come,” anito. Kris Jose
August 18, 2022 @6:23 PM
Views:
33
MANILA, Philippines – Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang panukalang tiyakin ang food security, palakasin ang energy sector, at paghusayin ang housing program ng pamahalaan.
Isa-isang nag-presenta ng kani-kanilang plano ang Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa idinaos na Cabinet meeting sa Malacañan Palace, araw ng Huwebes.
“The suggestions are still being fine-tuned,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
“Hindi pa po kami nagri-release ng mga detalye na ito sapagkat kanina po ay pagkakataon para i-discuss ‘yung mga proposals na ito. So, may mga revisions at saka refinements po,” ani Cruz-Angeles.
Ang DA aniya ay kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Marcos, nagpanukala ng inisyatiba para palakasin ang food production sa bansa.
Sa kabilang dako, sinabi ni Cruz-Angeles na sa isinagawang Cabinet meeting, tinalakay ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang pamamaraan upang magkaroon ng “adequate, accessible and affordable energy.”
Matatandaang noong Agosto 9 , ang regulatory framework sa energy sector ay pinlantsa para makapagbigay ng malinaw na polisiya para sa mga mamumuhunan.
Sinabi naman ni Cruz-Angeles, sa kanyang Facebook post na nakikipag-ugnayan na ang DOE sa attached agencies nito upang masiguro na mas magiging “attractive” ang energy sector sa mga investors.
“Gusto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na makapaghikayat pa ng maraming investments ang sektor ng enerhiya. Bilang pagsunod dito, inihahanda na ng Department of Energy Philippines at mga mambabatas ang pagpapatupad ng mga polisiya upang maparami pa ang mga investor,” anito.
Samantala, napag-usapan din sa Cabinet meeting ang panukalang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng DHSUD.
Sa isinagawang pulong kasama ang Senate Committee on Urban Development, Housing and Resettlement, isiniwalat ng DHSUD ang plano nito na tugunan ang kasalukuyang hou