P2.25T ‘Build Build More’ fund isinusulong sa Marcos Admin

P2.25T ‘Build Build More’ fund isinusulong sa Marcos Admin

July 17, 2022 @ 10:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Albay  Rep. Joey Salceda kay Pangulong Bongbong Marcos ang Build, Build More infrastructure program na paglalaanan ng kabuuang  P2.25 trillion sa loob ng 6 na taon.

Sa House Joint Resolution No 6 na inihain ni Salceda sa House of Representatives simabi nito na ang kanyang ipinapanukala sa administrasyong Marcos ay mas malawak sa flagship infrastructure program na Build, Build, Build ng Duterte administration.

“The BBM infrastructure program will be even bigger than Build, Build, Build under PRRD (Duterte), and we will be more open to financing it with private sector money, and not just taxpayer money as was the preference of PRRD’s economic managers. Given our fiscal space, we will also aim for assets that are higher in quality, higher in economic returns, and higher in durability. That, in any case, is also the vision of PBBM’s infrastructure managers, whom I have already had preliminary discussions with,”paliwanag ni Salceda.

Aniya, ang nasabing programa ay bahagi ng National Infrastructure Development Framework, kung maaprubahan  ng Kongreso ay siniguro nitong mawawakasan na ang sobrang kahirapan sa bansa, mas dadami ang middle class at magkaroon ng sustainable at equitable economic growth”.

“The infrastructure program will prioritize 16 key areas, including agriculture, logistics, digital economy, disaster resiliency, healthcare, tourism, education and skills development, energy, housing, economic superregions, growth-supporting infrastructure, maritime connectivity, peace-supporting infrastructure in the Bangsamoro and other former conflict areas, ease of doing business, national spatial integration through a high standard highway network, and scientific development”pahayag ni Salceda.

Kasama din sa programa ang pagpapalakas sa disaster resilience at climate change sa pamamagitan ng pagsasagawa ng relocation sa mga high risk communities at pagtatag ng evacuation facilities para sa low at medium risk communities”.

Sinabi  ni Salceda na nakatakda syang makipagpulong kay Leyte Rep. Martin Romualdez na syang inaasahang susunud na House Speaker para talakayin ang panukala pangunahin na pagdating sa usapin ng budget. Gail Mendoza