P2.4K one-way seat pa-Japan, alok ng Cebu Pacific

P2.4K one-way seat pa-Japan, alok ng Cebu Pacific

October 7, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – May alok na murang flight ticket pa-Japan ang Cebu Pacific.

Ito ang inanunsyo ng sikat na airline carrier ngayong Biyernes, Oktubre 7 kung saan ang one-way base fare sa iba’t ibang destinasyon sa Japan ay maaaring mabili sa halagang P2,499 lamang.

Ayon sa Cebu Pacific, ang one-way seat sale ay maaaring mabili mula Oktubre 7 hanggang Oktubre 9.

Ang travel period naman sa naturang seat sale ay mula Nobyembre 1, 2022 hanggang Marso 31, 2023.

Dagdag pa, ang mga flights pa Nagoya, Fukuoka, Osaka at Narita ang ilan sa mga lugar na bahagi ng naturang promo.

Matatandaan na kamakailan ay nag-anunsyo ang Embahada ng Japan sa Manila na tumatanggap ng aplikasyon sa lahat ng uri ng visa patungo sa nasabing bansa kabilang na ang individual travel. RNT/JGC