P2.4M marijuana, binunot

P2.4M marijuana, binunot

March 22, 2022 @ 1:36 PM 3 months ago


COTABATO CITY –Binunot saka sinunog ang higit sa 12,000 marijuana pananim saka sinunog ng mga awtoridad sa ginawa nilang operasyon nitong Linggo sa Columbio, Sultan Kudarat.

 

Ayon kay Col. Tom P. Tuzon, Sultan Kudarat police director, umabot sa P2.4 milyon ang halaga ng mga narekober na pananim ng marijuana base na rin sa pagtaya ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“The plants were seized and uprooted in Barangay Datalblao, Columbio, Sultan Kudarat by joint elements of the Columbio police office along with other law enforcement units and village officials on Sunday afternoon,” ani pa ni Tuzon.

Tugis naman ang isang Leng Labuayan, na siyang itinuturong cultivator sa nasabing planta ng marijuana ng hindi ito maabutan ng mga awtoridad sa lugar.

 

Ilang marijuana naman ang dinala ng mga awtoridad bilang ebidensya at dadalhin sa forensic unit para sa pagsusuri.

 

Hinimok naman ni Tuzon ang publiko na patuloy na magbigay ng impormasyon at makipag koordinasyon sa pulisya para masugpo ang mga illegal na aktibidades at krimen sa probinsya./Mary Anne Sapico