P2.4M shabu nakuha sa high-value target

P2.4M shabu nakuha sa high-value target

October 25, 2022 @ 12:57 PM 1 month ago


TACLOBAN CITY – SHOOT sa kulungan ang isang driver matapos makuhanan ng higit sa P2.4M halaga ng shabu sa isinagawang drug operation ng mga awtoridad Linggo sa Marasbaras City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Francisco Yu, 44, driver, at residente ng Sampaguita district, ng nasabing lungsod.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) regional office katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nasa high-value target ng rehiyon Yu at nakuha mula rito ang higit sa 370 gramo na shabu.

Nahuli sa akto ang suspek nang makabili ang operatiba ng 15 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Narekober rin sa suspek ang iba’t ibang plastic sachets, paper wrappers na naglalaman ng shabu, P500 marked money, 199 pirasong tig P1,000 fake bills, P2,699 cash, lighters, improvised water pipe, at motorsiklo.

Kasalukuyan nakakulong sa PNP Regional Police Drug Enforcement Unit ang suspek habang ang mga nakumpiskang ebidensiya ay isasailalim sa laboratory examination.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 si Yu./Mary Anne Sapico