P2.5B pondo sa kulungan ng heinous crime convicts, hirit ng DOJ

P2.5B pondo sa kulungan ng heinous crime convicts, hirit ng DOJ

August 25, 2022 @ 2:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ihihirit ng Department of Justice (DOJ) mula sa Kongreso ang P2.5 bilyon badget sa 2023 para sa pagtatayo ng pasilidad ng bilangguan sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sa nasabing kulungan dadalhin ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na nakagawa ng heinous crime.

Ang nasabing hakbang ay matapos na payagan ng gobyerno ng Pilipinas ang paghihiwalay ng heinous crime convicts sa ibang mga preso.

“I’m asking for 2023 P2.5 billion for Sablayan,” ani Remulla sa isang Forum.

Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan sa DOJ, ibinunyag ni Remulla ang kanyang planong ilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro ang mga preso ng Maximum-Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Dagdag pa ni Remulla na sinimulan na niya ang pakikipag-usap sa Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa pasilidad ng bilangguan sa Sablayan at target niyang tapusin ang nasabing plano para sa kulungan sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan sa DOJ.

Sakaling maaprubahan ang budget, tiniyak ni Remulla na sasailalim pa rin ang proyekto sa competitive public bidding at igagawad sa bidder na may pinakamagandang offer para itayo ang pasilidad. RNT