P2.5M droga sinilid sa picture frame, buking ng BOC

P2.5M droga sinilid sa picture frame, buking ng BOC

July 29, 2022 @ 4:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P2.5 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark makaraang mabuking nila na nakasiksik ito sa mga picture frame.

Ayon sa BOC, natuklasan nila ang nasabing iligal na droga sa isang kargamento na sinasabing naglalaman ng “Marco Dela Foto” mula sa Madrid, Spain.

Isinailalim sa 100% na pisikal na pagsusuri ang nasabing kargamento na naglalaman ng dalawang malalaking picture frames kung saan may nakasiksik na “white crystalline substance” na nasa 500 gramo.

Nagsagawa ng field testing ang BOC sa mga puting crystalline substance na pinaghihinalaang ilegal na droga kung saan kinumpirma naman ito ng PDEA na pagkakaroon ng Ketamine, isang mapanganib na gamot sa ilalim ng Republic Act No. 9165.

“A Warrant of Seizure and Detention (WSD) was issued by District Collector Alexandra Lumontad against the subject shipment for violation of Sections 118 (g), 119 (d), and 1113 (f) of R.A. No. 10863, in relation to Section 4 of R.A. No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” saad ng BOC.

Ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ay mananatiling mapagbantay laban sa ipinagbabawal na droga sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya sa pagsugpo nito. JAY Reyes