P2.5M shabu, marijuana nasamsam sa 2 big-time tulak sa Rizal, Cavite

P2.5M shabu, marijuana nasamsam sa 2 big-time tulak sa Rizal, Cavite

November 17, 2022 @ 11:59 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P2.5 milyon halaga ng shabu at marijuana mula sa dalawang hinihinalang big-time na tulak ng illegal na droga nitong Miyerkules, Nobyembre 16 sa isinagawang operasyon sa Rizal at Cavite.

Ayon sa Police Regional Office 4A (PRO4A) at Philippine Drug Enforcement Agency, nasabat nila ang suspek na si Lester De Borja bandang 7:05 ng gabi sa operasyon na ikinasa sa isang subdivision sa Barangay San Roque sa Antipolo City, Rizal.

Nakuha mula dito ang 13 bricks ng dried marijuana leaves o “weed” na nakabalot sa plastik at may timbang na nasa 13 kilo.

Nagkakahalaga ito ng nasa P1,560,000.

Samantala, sa ikinasang buy-bust operation naman sa Dasmarinas City, Cavite ay nasakote si Yusop Pangandag Yasin bandang 10:22 ng gabi sa San Agustin II ng naturang lungsod.

Nakuha naman kay Yasin ang tatlong pakete ng shabu na nasa 150 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P1,020,000.

Itinuturing na high-value targets ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. RNT/JGC