P2.5M shabu nakumpiska

P2.5M shabu nakumpiska

September 26, 2022 @ 11:06 AM 2 months ago


CEBU CITY- Arestado ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad at nakuhanan ito ng higit sa P2.5 milyong halaga ng shabu, Sabado, sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si John Carl Gimpayan, 24, ng Sitio Riverside, Barangay Duljo-Fatima, Cebu City

Ayon kay Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) director, ikinasa ang operasyon laban sa suspek Sabado ng gabi sa Carlock St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.

Sa isinagawang operasyon nakuha ng operatiba kay Gimpayan ang 325 gramo na pinaniniwalaan shabu at may market value na P2.5 milyon.

Sinabi pa ni Vega na si Gimpayan ay isa sa kanilang listahan na nasa drug watchlist para high-value individuals at city level.

Dagdag pa ni Vega na kilala ang suspek na naglalako ng shabu sa lungsod at nakakapagbenta ito ng 50 gramo sa loob ng isang linggo.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang intelligence monitoring ng PNP para matukoy ang mga taong nasa likod ng illegal drug trade sa Central Visayas.

Nauna rito, sinabi ni Police Lieutenant Colonel Wilbert Parilla, deputy director administration ng CCPO, nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sila sa mga barangay para magpatupad ng mga hakbang gaya ng pagrehistro sa lahat ng mga establisyemento o nangungupahan sa kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang mga krimen at mabilis na matukoy ang mga iligal na aktibidades gaya ng iligal na droga sa lungsod. Mary Anne Sapico