P2.6-B SAP aid, ibinalik ng mga tapat na benepisyaryo – DSWD

P2.6-B SAP aid, ibinalik ng mga tapat na benepisyaryo – DSWD

August 11, 2020 @ 7:16 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Higit P2.6 billion ang ibinalik ng mga tapat na benepisyaryo ng Social Amelioration  Program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Martes.

“As of August 5, ang DSWD ay nakatanggap na po ng mahigit na P2.6 billion na  refunded or returned budget mula sa ating Social Amelioration Program,” ani DSWD Undersecretary Rene Glen Paje sa isang virtual press briefing.

Ayon kay Paje na sa total amount, nasa P49 million SAP aid ang naibalik ng 7,931 benepisyaryo mula sa iba’t ibang rehiyon “due to duplication of assistance received from other government agencies or ineligibility

 “Ang refund ay dahil po sa duplication, dahil sa ineligibility o kaya excess or unexpended fund transfer sa mga LGUs,” paliwanag ni Paje.

Bukod sa mga ibinalik ng LGUs, nakatanggap rin ng P66.4 million ibinalik mula sa mga financial service provider. RNT


  •  
  •  
  •