P2.7-M marijuana winasak sa Ilocos Sur

P2.7-M marijuana winasak sa Ilocos Sur

December 15, 2021 @ 9:00 AM 10 months ago


ILOCOS SUR- Winasak ng awtoridad ang nagkakahalaga ng P2,734,000 na fully grown marijuana plants at marijuana seedlings.

Pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad ang nadiskubreng mga iligal na damo mula sa pitong cultivation sites sa pagitan ng Sugpon, Ilocos Sur at Kibungan, Benguet kahapon, Disyembre 14.

Ang nadiskubreng pitong cultivation sites ay nasa disputed boundaries ng Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur; Sitio Bekes, Brgy. Tacadang, Kibungan Benguet; Sitio Ogiyet, Brgy. Tacadang, Benguet; at Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.

Nabatid na 12,870 fully-grown marijuana at 4,000 marijuana seedlings ang sinira ng mga pinagsanib na puwersa ng Sugpon MPS (lead unit), RDEU1, 103rd MC RMFB1, RID, ISPDEU, PIU, PDEA RO1, 1st at 2nd ISPMFC, at Alilem MPS.

Walang naarestong cultivator ang mga otoridad mula sa mga naturang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso