P2.7M ‘shabu’ nasamsam sa Cebu

P2.7M ‘shabu’ nasamsam sa Cebu

July 23, 2022 @ 3:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga operatiba ng Aloguinsan Police Station ang halos 400 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Ikinasa ang dalawang buy-bust operation kung saan mga street-level individual at high-value individual ang mga nalambat. 

Base kay Police Lt. Roberto Barnido, hepe ng Aloguinsan Police, ito ang pinakamalaking nahuli nila sa kasalukuyang ito.

Bahagi ito ng kanilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO.

Hawak na ng mga pulis ang dalawang suspek habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. RNT/SA