P2.8M wedding ring, P10K per plate sa kasalang Ara at Dave, kayabangan sa gitna ng pandemya!

P2.8M wedding ring, P10K per plate sa kasalang Ara at Dave, kayabangan sa gitna ng pandemya!

February 24, 2021 @ 10:33 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kumakalat ang balitang higit pa sa engrandeng kasalan ang magaganap kay Ara Mina at Dave Almarinez.

Wala pa mang eksaktong petsa ng kanilang pag-iisang-dibdib pero sigurado raw na this year ‘yon magaganap.

Nitong January nag-propose si Dave kay Ara, bagay na ‘di inaasahan ng aktres.

Pero masaya si Ara dahil sa wakas ay matitikman na niya ang buhay misis.

Ang ipinagtataas lang ng kilay ng maraming taga-showbiz ay ang tila may kayabangang mga detalye kaugnay ng kanilang kasal. Kabilang dito ang sinasabing wedding ring ni Ara na nagkakahalaga ng tumataginting na P2.8 million.

At pagdating naman daw sa reception, P10K ang bawat plate ang halaga.

Ganu’n daw ba kayaman si Dave kundi man bilyonaryo? Bakit daw kailangang ipagmakaingay ang mga pigurang ito sa panahon ng pandemya kung kailan mahirap ang buhay? Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •